fire fern (fayr fern) : maliit na palumpong (Oxalis hedysaroides), kulay morado ang dahon, may mahabàng tangkay, at may bulaklak na dilaw, katutubò sa Venezuela, Columbia, at Ecuador, at ipinasok ang cultivar noong dekada 50 sa Filipinas
steam engine (is•tím én•dyin) : mákiná na pinaaandar ng aksi-yon o enerhiya ng singaw, karaniwan sa pamamagitan ng presyon sa piston na tumataas at bumababâ sa cylinder
fire eater (fayr í•ter) 1: salamangkero na nagkukunwaring kumakain ng apoy 2: tao na mahilig makipagaway
fire power (fayr pá•wer) 1: mapaminsalang lakas ng baril at iba pa 2: kakayahang pinansiyal, intelektuwal, o emosyonal
internal combustion engine (ín•ter• nal kom•bás•syon en•dyín) : mákiná na may isa o higit pang mga silindro1 na pinagga-ganapan ng proseso ng pagkasunog ng hangin at gasolina na lumilikha ng puwersa